Wednesday, March 24, 2010

Daddy's Poem for me

Here is my daddy's poem for me before I was born :-)

Para ka Noah

Di ko maipaliwanag ang aking nararamdam
Sabik na makita ka at aking maramdamam
Mukha mong sa panaginip lamang namamasdan
Ngayo'y malapit nang bigyan ng katuparan

Kaytagal na hinintay ang araw na ito
Sa tagal akala ko'y hindi na magkakatotoo
Mga pangarap ko'y unti unti nang mabubuo
Walang nang makakapigil tibok ng puso mo

Bawat oras at bawat araw na nagdaraan
Binibilang, hinihila, pinaghahandaan
Ang iyong pagdating, ang iyong pagsilang
Ligaya sa puso ko'y walang pagsidlan

Sa iyong pagsilang pangako ko sa'yo
Ika'y mamahalin ng buong puso ko
Ibibigay lahat pati na buhay ko
Ikaw na katuparan ng mga pangarap ko

No comments:

Post a Comment